Sabado, Marso 31, 2012

MGA PINAGDAANAN KO. XD

Hello ulit! :)

Haha. As I've said, magkkwento naman ako about sa mga nangyari sakin these past few days. :)
Ahm, ayun. Nung umpisa ng March, maganda yung mga nangyayari sakin. Tapos, ayun. 

There comes pain, misfortune, happiness, sadness, crying moments. But, I didn't lose hope that I will succeed. I really did my best to reach my goal. Ayun, nagtagumpay naman ako, tumaas yung grades ko. :) Hehe. Ang saya saya ko nga eh. Kasi, tumaas ng 3 point yung General Average ko. :D 

Tapos yun, syempre sa buhay, hindi naman pwedeng puro nalang happy moments ang meron ako. Syempre, nagkaroon din ako ng mga sakit sa buhay. Nasaktan ako, kasi ewan ko ba! Umibig yata ako. HAHA. Nagmahal ako ng taong hindi naman ako mahal. Grabe nuh? Ang drama drama ko lang. xD Kasi nman, nagkaroon ako ng crush, since the first week of class, crush ko na sya. Hindi ko alam kung bakit o ano ang nakita ko sakanya. Pero ayun eh, naging crush ko lang siya sa walang kadahilanang bagay. =) Tapos, ayun, 9 months ko na ata syang crush! HAHA. OMG. Tagal na nuh? Ang tatag ko rin kasi, matagal na akong umaasa sakanya. Kahit ilang beses na akong nasaktan, hindi ko alam kung bakit parin ako umaasa sakanya.

Ayun, sa tagal kong umaasa sakanya, may mga KV, GV at BV na nangyayari. May heartbroken times, pero syempre nakaget over din ako dun. :D At syempre, yung crush ko, NAINLOVE DIN! Kahit masakit nagawa ko parin ngumiti habang binibigay nya yung regalo nya dun sa girl. At.. FTW, ako pa mismo ang nagbahagi ng tulong para magawa nya yun.

Pero, nagmomove on na naman ako dun sa guy. Atleast, naamin ko na sa sarili ko that I LOSE. Awww. Mahirap man aminin, but its okay. I know, that I've lost the fight. And I'll just find another one. xD

HAHA. Ayun, kagabi nga pala, nanuod ako ng PBB ang sobrang excited ako sa mga mangyayari. Tapos, ayun. Si Slater Young? :) Nanalo sya sa PBB. HAHA. And sobrang saya ko kagabi. Nakalimutan ko yung mga iniisip ko nung nalaman kong nanalo sya. At hanggang ngayon, di parin ako makamove on. Mananalo naman na talaga si Slater eh, kasi bukod sa Mabait na, matalino pa, tapos GWAPO pa. Diba? Ano pa hahanapin mo dun. Dibale, sisikat na si Slater, makikita ko na sya sa TV gumagwa ng mga pelikula. xD HAHAHA. Excited na ako sa future ni Slater. And I promise, I will be one of his biggest fans. :">

So, thats all for now.
Mamaya nalang ulit. :D
Bye. ^^

Huwebes, Marso 29, 2012

I Love Wattpad Forever. :D

Weeee. :"> Grabe. Ang saya saya lang talaga magbasa ng Wattpad. Lahat ng moments nakakakilig. Kapag binabasa mo yung bawat stories dun, maiisip mo talaga na, "Walang Imposible" sa bawat storya. Kahit pangit yung girl nung umpisa, nagagawan ng paraan para gumanda sya. It only take time and effort. =)

Marami na nga akong natutunan dahil sa Wattpad eh. :"> Marami narin ako lalong finafantasize. Dahil sa Wattpad, kung anu ano na ang iniisip ko. xD pero okay lang. Kasi kapag nagbabasa ako sa Wattpad. Pansamantala kong nakakalimutan yung mga problema na kinakaharap ko. :) Kaya, kapag nagbabasa ako ng Wattpad, mixed emotions ang nararamdaman ko. HAHA. Dalang dala ako sa mga storya dun. As in, kapag iyakan moments, napapaiyak talaga ako. Kapag, tawanan moments, tatawa talaga ako, at kapag kilig moments, kikiligin talaga ako. :"> Hihi.

Grabe nga eh. Natuto na akong maglandi dahil sa wattpad. xD HOHO. Pero, di ko pinagsisisihan yun. Kasi, nakakalimutan ko na naging crush ko siya kapag nagbabasa ako ng Wattpad. Nakaklimutan ko kung gano kasakit yung ipinaramdam nya sakin. Haaaays. >.<

Well, as of now, marami narin akong nabasa sa Wattpad. Uhm, Let's see. I'm Inlove With A Gangster Princess, Diary ng Panget, I am Cinderella, Break The Cassanova's Heart Operation, Secret Admire, tapos yung latest My Childish Girlfriend and My Gangster Boyfriend. HAHA. I know the titles look awkward. But, ganun talaga eh. Teenage girl nako, kaya teenage stories narin binabasa ko. xD Hihi.

Ayun, yung ibang binabasa ko, puro ongoing. Nabibitin ako lagi. HAHA. Ayoko na nga magbasa ng mga ongoing na stories eh. Parang, bitin na bitin ako. Pero, hayaan na! :D Lol.

Ayun. Share ko lang yung nagpapasaya sakin ngayon. :D
Tapos, later magpost ulit ako about sa nangyari sakin these past few days. :)
Brb. :D

Linggo, Marso 04, 2012

STRESSFUL T.T

Kung alam ko lang na walang pasok ngayon. Shems, dapat sana hindi ko muna tinapos yung nakakastress na cheberlu research na yun. >.<

Grabe mga projects. Dapat deadline na nun this week, eh? Wala pa naman kami nasisimulan sa Filipino ngayon. HAHAHAHAHAHA. :DDD

Ayun, nagskype kami! \m/ sila Smayl, Kyle, Kuya EJ, Anaiah, at Nicole. Tapos, yung rest ng tropa, nagpunta sa house nila Jex. HAHA. Pakasaya sila dun, nagpakasaya din kami dito sa skype. =)))) tingin ko nga nasira ko pa yung camera ng computer eh. HALAAAA T.T Nagpakavain ako, dami ko pictures sa laptop. Sana lang hindi sira yung camera ng computer, kung sira yan, wala na akong pampicture kapag navavain ako xD

Malapit na yung Hell Week. Test na next week. 14-15 tapos play namin 12-13. Wew. Kastress talaga sa RS. HAHA. Pero kaya lang yan, dito ko piniling umpisahan yung high school ko, kaya kailangan ko na tapusin dito :))
Feeling ko kamo, sinulit na ng tropa yung buong araw na walang pasok, kasi tignan mo hanggang ngayon wala pa sila sa bahay, feeling ko nga din na hindi alam ng mga magulang nila na walang pasok yung RS eh. HAHA. Mga sira talaga yung mga yun. xD

Well, GTG muna :D
Magreresearch muna about sa earth science. :)
Byebye ^^