Linggo, Disyembre 18, 2011

WATTPAD- DIARY NI EYA :D

Alam mo ba? Dun sa Wattpad, ang GAGANDA ng kwento! HAHA. As in, ang ganda talaga!
Ayun, natapos ko na talaga yung kwento ng Diary ng Panget. :D Ang ganda ng kwento. Nakakakilig talaga. Nakakatuwa sila, kaso medyo magulo, parang mga korean something. Pero, medyo magulo kasi yung katauhan nila. HAHA. Nagsimula yung lahat kay Chad at Eya, yung tanungin ng oras oras! Oras na para mahalin moko xD Hindi ko talaga makakalimutan yung sa Grand Ball, nung nagtapat si Cross kay Eya. Tapos, yung sa UnderConstruction sila Chad at Eya, yung fail na proposal. Ayun, tapos, ahm.. yung first date nila. Nung sumulpot si Ysabel, grrrrr. xD tapos, yung magkasama sila sa kwarto ng student council tapos yun rin yung sa hospital. Yung magkatabi silang dalawa sa kama. Tapos, yung sa photo shoot nila, andun si Chad, tapos, yung endearment thingy. HAHA. Tapos, yung cupcakes, yung kinain yung cupcakes ni Eya na bigay ni Chad, then nagalit si Eya, tapos binigyan sya ng cellphone and cupcake, tapos then nalaman ni Cross na special pala si Eya sakanya. Tapos, yung time na nagreveal ng crush si Chad. Crush nya pala si Eya! HAHA. Tapos, simula nung naging sila na, lalong kilig kilig yung moments nun. Lalo na nung tinakasan nila yung Wilford family. Tapos ayun, nung sweet at magkasama sila. Tapos, yung pagtatapos na. Sobrang touching nun talaga. Haaaaaays. Namimiss ko tuloy yung kilig moments. HAHA. Tapos, lahat ng nangyari, kagagawan pala ni Memo Clarkson at ni Benjo! Meron pa nga yung time na akala nila magkapatid sila! Yun, nagulat talaga ako nun. HAHA. Pero, hindi pala totoo. Mahal talaga nila ang isa't isa! Whooo. Katuwa :D

Kinuha pa yung cellphone ko. Tsk, after the happy times, nagkaroon ng bad time. Sabagay, wala nman akong katext nun, but nanghihinayang lang talaga ako, kasi hindi ko na mababasa ulit. Haaaays. Bahala na, mababawi ko rin yun. AKO PA xD Lol. Di ko nanaman kailangan yun. Kaso, ngayon, Christmas Break. Mas kailangan ko talaga yun. Nakakainip kaya kapag walang cellphone, parang si Eya. HAHA

Sige, nagkwento lang ako! Babye! :D HAHA
GoodNight. Wish us luck bukas sa bazaar ;)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento